Hero of the Month August 2022 Candidates

Aug 23, 2022 | Hero of the Month

Welcome Heroes,

Here are the candidates for the Hero of the Month August 2022.
Support your friends as they strive for their goal.

In-Game Name:
Xynevia
Clan:
Arkhos
Level:
105
Class:
Wu Shih
Sever:
Sun Server

Bio:
Kheyt Moorin “Ang babaeng adik sa fashions.”
“Ang babaeng kaagapay ni President Nhevahya sa pamamahala ng Magic Kingdom”

Unforgettable Perfect World Moment:
Sa tagal kong nang naglalaro ng Perfect World PH simula 2010, halos di ko na mabilang ‘yung mga di malilimutang moments ko sa laro.
Pero para sa’kin, ‘yung tumatak talaga sa isip ko ‘yung pagkakaroon ko ng mga kaibigan hindi lamang kaibigan sa laro kundi mga tunay na kaibigan sa tunay na buhay.
‘Yung mga kaibigan na makakausap mo pag masaya at malungkot ka.
❤️ ‘Yung mga kaibigan na tatawagan ka para sama-sama kayong magdudungeon run. May pa-Discord pa sila para maturuan ka/kayo.
❤️ Mga kaibigan na tatawagan ka sa messenger kasi tanghaling tapat na tutulog tulog ka pa at lalabas na si Haspon.
❤️ Mga kaibigan na tatanungin ka kung hindi ka ba busy kasi may bago na naman siyang chika. Hahahahahahaha!
❤️ Mga kaibigan na akala mo isa kang DJ sa radyo kasi kung anu anong advice ang hihingin nyan sa’yo. Mapafamily o lovelife man.
💕 Meron ring kaibígan na naging kaíbigán.
❤️ At syempre, mga kaibigan na handang handa na makinig sa mga hinanaing at kwento mo sa buhay na never ka ijjudge. Kaya salamat sa inyong lahat lalong lalo na sa clan Arkhos. Mabuhay kayong lahat!

Why you should pick me:
Naniniwala ako na ako ang karapat-dapat na maging “Hero of the Month” ngayong August 2022 dahil sa dedikasyon, pagtulong ko sa mga kapwa ko players lalong lalo na sa mga baguhan at returnees na masaya kong ginagawa lalong lalo na kapag free time ko at lalong lalo na ang pagppromote ng Perfect World PH upang lalong lumaki at sumaya pa ang ating community.

Message to voters:
Ngayon pa lamang ay taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga voters. Ako man o hindi ang inyong iboboto. Mabuhay!

Motto or life lesson:
Wag magmadali para hindi magkamali, sabi nga nila, “The best things in life comes to those who wait patiently.” ❤️

In-Game Name:
Grodd
Clan:
Sentinel
Level:
105
Class:
Yao hou
Server:
New Moon

Bio:
I started playing perfect world when it was first release in the Philippines (so isa na din pala ako sa pioneer).
Started to be a Healer na ang equipment is hindi pang healer. DEX Type, STR Type YL sa dragon server nuon at ngayon ay Damager na. There was this time na nakakalungkot kasi nag down ang server for almost 2 years. Pero at least Comeback is Real. Nung bumalik ang PW, xempre, balik laro ulit tayo! Kung noon eh time consuming ang solo levelling, ngayon, time consuming ang Cave runs lalo na ung 4 hours DUP runs. Pero at least bonding time with your friends kahet 4 HRS kayo sa DUP. HAPPY HAPPY lang lahat kahet matagal haha!
Also, napakadaming event ng larong ito. Antay antay lang tayo sa REWARDS, dadating din yan! PATIENCE IS DA KEY!

Unforgettable Perfect World Moment:
Nakakamiss yung panahong pahirapan magpalevel and may thrill pa mag grind sa normal mobs, Yu ling ako noon sa dragon server at naghahanap lage ng wood defense items para makapagpalvl sa Pestilence Mouse tsaka sa mga Spiders sa snow slide village. Pataasan ng wood defense para mabuhay sa mga poison ng mga mobs. Ngaun kasi, ez na lang magpalvl hehe. Isa pa sa unforgettable moments sa PW, is ung Poncho run para mag Rank 8 ka.

Why you should pick me:
Para maging hero of the month hehe

Message to voters:
Keep on playing Perfect World guys! Please like and share 🙂

Motto or life lesson:
Masaya mag Decide Unchartered Paradise ng 4hrs with friends, Bonding time nyo yun 🙂

 

February 2023
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728